Aarangkada na sa Biyernes (March 8) ang nationwide implementation ng Tara Basa Tutoring Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ng Department of Education (DepEd).
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni DSWD Usec. Edu Punay na pangungunahan ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang kick-off ceremony ng programa sa Cebu City, maging ang MOA signing sa LGU.
Ang Tara Basa Tutoring Program ay cash-for-work program ng ahensya na layong tulungan ang mga mahihirap na college student na nangangailangan ng financial assistance.
Layon rin ng programa na tulungan ang DepEd ang usapin sa literacy sa bansa, sa pamamagitan ng pagtu-tutor sa mga grade school students na nahihirapang magbasa.
Cash-for-work program din ito sa magulang ng mga mahihirap na elementary students, dahil sila naman ang magtuturo ng pagbabasa sa kanilang tahanan.
“Magtutuloy po ang programa sa NCR, pero mag-expand po tayo sa Luzon sa Bulacan at Quezon. Sa Visayas sa Cebu, Western Mindanao, kasama ang Marawi, at General Santos.” — Usec Punay. | ulat ni Racquel Bayan