Ininspeksyon ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro ang detachment ng Naval Installations and Facilities-Northern Luzon (NIF-NL) sa Casiguran, Aurora kahapon.
Ang naturang detachment na itinayo sa kooperasyon ng Aurora Pacific Economic Zone and Freeport Authority (APECO), ay magpapalakas sa presensya ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa bisinidad ng Philippine Rise sa Pasipiko, alinsunod sa Comprehensive Archipelagic Defense Concept (CADC).
Dito’y tinalakay ng kalihim kay Director Maria Cristina Suaverdez ng APECO Board of Directors, kasama ang iba pang opisyal ng NIF-NL, ang mga hakbang para matiyak ang kontrol ng Pilipinas sa likas yaman sa Philippine Rise.
Bukod sa NIF-NL Naval Detachment sa Casiguran, binisita din ni Secretary Teodoro ang Philippine Ports Authority Terminal Management Office at nakipagpulong kay Dingalan, Aurora Mayor Shierwin Taay. | ulat ni Leo Sarne
📸: DND