Nagsagawa ang National Economic and Development Authority (NEDA), at iba pang ahensya ng pamahalaan ng mga pagtalakay sa pagpapalawig ng Executive Order No. 12 series of 2023.
Layon nitong maisama sa naturang kautusan ang e-motorcycles at hybrid vehicles.
Ang EO 12 ay naipatupad noong February 20, 2023 na nagbibigay ng tax break sa ilang klase ng electric vehicles at ilang parte nito sa loob ng limang taon.
Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, nakasaad sa Section 2 ng EO 12 na matapos ang isang taon ng implementasyon nito kailangan na magsasagawa review at public hearing ang Tariff Commission.
Kinakailang aniyang maikonsidera ang lahat ng pananaw at komento ng lahat ng stakeholders. Layon nitong matiyak na makakamit ang layunin ng polisiya at mapalawak at mapalago ang sektor electric vehicle market sa bansa.
Nanawagan naman ang NEDA sa lahat ng mga interesadong partido na makiisa sa gagawing public hearing at ibahagi ang kanilang saloobin sa pagpapatupad ng naturang kautusan na makatutulong na mapaigting ang energy security sa bansa.| ulat ni Diane Lear