Pinag-iingat ngayon ng National Housing Authority (NHA) ang publiko laban sa ilang indibidwal na ginagamit ang pangalan ng ahensya para mag-solicit ng pondo.
Ayon sa NHA, nakatanggap ito ng ulat sa ilang grupo at indibidwal na ginagamit ang pangalan ng ahensya para makapanloko at makalikom ng pondo.
Paglilinaw ng ahensya, hindi kailanman ito nagso-solicit ng pondo para sa mga proyekto nito dahil may alokasyon itong natatanggap mula sa national government.
Dagdag pa nito, nakatutok ang NHA sa shelter production at hindi sa mga programa para sa mga kabataan na pinalalabas ng mga scammer.
“NHA firmly denies any involvement of what appears to be some fraudulent activity. We caution the public to be vigilant in dealing with these organizations and individuals.” | ulat ni Merry Ann Bastasa