Kumpiyansa si Finance Secretary Ralph Recto na malapit nang makamit ang hangarin na mapasama ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bilang world’s best airport.
Ginawa ni Recto ang pahayag kasunod ng signing ng Public Private Partnership (PPP) Concession Agreement ng NAIA.
Ayon kay Recto, sa pamamagitan ng pormal na paglagda, matitiyak na ang world class service para sa ating mga Pinoy traveler at international visitors.
Maalalang binansagang “world’s worst airport” ang pangunahing gateway ng Pilipinas at kamakailan ay muling binash dahil sa isyu ng surot at daga.
Ayon kay Recto, deserve ng mga kababayan natin ang VIP airport treatment.
Binigyan diin ng kalihim na ang NAIA PPP deal ay achievement ng Marcos Jr. administration sa pamamagitan ng matibay na pakikipagtulungan sa pagitan ng gobyerno at pribadong sektor.
Aniya, ang NAIA PPP project ay nagtatakda ng benchmark para sa kahusayan ng pipeline projects ng gobyerno, ito rin ang maitutring na pinakamabilis na inaprubahang PPP na panukala sa kasaysayan ng Pilipinas.| ulat ni Melany V. Reyes