Ipinatutupad na ngayon ng pamunuan ng North Luzon Expressway (NLEX) ang ilang decongestion projects para maibsan ang inaasahang pagtaas ng volume ng mga sasakyan na papasok at palabas ng Metro Manila ngayong Semana Santa.
Ayon sa NLEX, ang bagong F. Raymundo Northbound Exit sa Brgy. Pandayan ay magsisilbing alternate route para sa class 1 vehicles na patungong eastern portions ng Meycauayan at Marilao.
Ginagamit na rin bilang dedicated lane para sa Malhacan-bound vehicles ang additional lane sa Meycauayan Northbound Exit ramp habang ang leftmost at middle lanes ay itinalaga para sa mga patungong Iba/Camalig.
Bukod dito, pinalawak na rin ang SCTEX ramp mula Tarlac patungong NLEX sa Mabalacat, Pampanga na inaasahang makatutulong lalo tuwing peak hours.
“We are hoping that these decongestion projects, alongside with other measures, will contribute to a more manageable traffic flow this Holy Week.”
Habang ongoing ang pag-upgrade sa road projects ng NLEX, patuloy namang umaapela ang pamunuan nito ng kooperasyon at pasensya sa mga motoristang bibiyahe sa NLEX-SCTEX-NLEX Connector ngayong Semana Santa.
“As we expect a huge number of vehicles, we appeal to the public for extra patience, cooperation, and discipline. For our part, NLEX will maximize its assets to ensure managed traffic flow, but for a hassle-free travel, make sure that you are in good fit before you drive, observe proper distancing and follow traffic regulations. Also, have your cars and RFID checked ahead of your trip.” Bautista.
Una na ring pinayuhan ang mga motorista na kumuha na ng Easytrip RFID para sa mas mabilis na toll transaction. | ulat ni Merry Ann Bastasa