Handa na ang National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict na ipatupad ang Amnesty Proclamation ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., partikular sa mga dating kasapi ng kilusang komunista.
Ito ang inihayag ni NTF-ELCAC Executive Director, Undersecretary Ernesto Torres Jr. kasunod ng “unanimous concurrence” ng dalawang Kapulungan ng Kongresso sa Proclamation Nos. 403, 404, 405, at 406.
Ayon kay Usec. Torres, sa pamamagitan ng pagbubukas ng daan tungo sa rekonsilyasyon, ay mapapabilis ang pagkamit ng kapayapaan at kaunlaran sa bansa.
Nagpasalamat si Usec. Torres sa mga senador at kongresista sa kanilang suporta sa adhikain ng Pangulo na makamit ang pangmatagalang kapayapaan sa bansa tungo sa isang “Bagong Pilipinas.” | ulat ni Leo Sarne