Para sa isang party-list solon, hindi na dapat pa ikapangamba ng ilan na maaapektuhan ang pagkamakabayan ng mga Pilipino oras na payagan ang foreign education.
Ayon kay 1-Rider Party-list Rep. Rodge Gutierrez, ipinapakita ng OCTA Research survey na nagkakaisa ang mga Pilipino sa pagpapakita ng pagmamahal sa bansa.
Sa naturang survey, lumalabas na 77% ng mga Pilipino ang handang lumaban sakaling atakihin ang Pilipinas ng mga dayuhan.
Sabi ni Gutierrez, sa kabila ng mga hamon gaya ng isyu sa West Philippine Sea, napaulat na destabilisasyon at maging ang panawagan na ihiwalay ang Mindanao ay makikita ang pagkamakabansa ng mga Pilipino sa pamamagitan ng kanilang kahandaan na ipagtanggol ang Pilipinas.
“I would say it’s very reassuring, in spite of all the challenges that we’ve had, from external man such as yung challenges natin dito sa West Philippine Sea or internal, such as yung alleged destabilization, or doon sa ating Mindanao secession. It’s good to see that we still have one united image of one united country, yung our nation undivided nakikita po yan, it speaks of itself in the people na sila mismo willing to defend this country.” ani Gutierrez
Kaya naman aniya sapat na rin itong dahilan para pawiin ang pangamba ng ilang tutol sa economic charter change, na mabubura ang national identity at patriotism ng mga Pilipino kung magpapapasok ng dayuhang institusyong pang akademiya.
“In our discussions of RBH 7, nabanggit rin at least dun sa education portion the question of national identity and patriotism and mukhang nandito na po yung ating sagot, na dahil nandito naman po yung whether or not the education changed, patriotism is there solid parin po yung bansa, so it really puts into question that sentiment na by changing yung ating equity recession sa education that there would be an effect po on patriotism.” sabi pa ng mambabatas | ulat ni Kathleen Forbes