Operasyon ng LRT-2, pansamantalang ititigil sa Semana Santa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magpapatupad ng tigil-operasyon ang Light Rail Transit Authority (LRTA) sa Semana Santa, mula March 28, Huwebes Santo hanggang March 31, Linggo ng Pagkabuhay.

Ayon sa LRTA, ito ay upang bigyang-daan ang annual maintenance activities ng LRT-2.

Samantala, magpapatupad naman ng shortened operating hours ang LRTA sa March 27, Miyekules Santo.

Aalis ang unang tren sa Recto Station at Antipolo Station ng 5:00 AM habang ang huling tren naman ay aalis ng 7:00 PM sa kaparehong istasyon.

Samantala, magbabalik ang regular operations ng LRT-2 sa April 1, 2024. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us