Magpapatupad ng tigil-operasyon ang Philippine National Railways (PNR) sa Bicol Line nito simula Huwebes Santo, March 28 hanggang Linggo ng Pagkabuhay, March 31.
Ito ay may rutang Naga-Sipocot at pabalik, gayudin sa Naga-Legazpi at pabalik.
Ayon sa abiso, ito ay upang bigyang daan ang gagawing maintenance activities sa nasabing linya.
Magbabalik naman ang regular na operasyon ng PNR Bicol Line sa April 1.
Samantala, mananatiling regular ang operasyon nito hanggang sa Mikerkules Santo, March 27.
Aalis ang unang biyahe sa Naga papuntang Sipocot ng 5:20 AM at ang huling biyahe ay 3:30 PM. Habang ang unang biyahe sa Naga papuntang Legazpi ay aalis 5:38 AM at ang huling biyahe ay 4:50 PM. | ulat ni Diane Lear