Inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) na pansamantalang ipatitigil ang operasyon sa linya simula sa March 28.
Ito ay upang magbigay daan sa konstruksyon ng North-South Commuter Railway (NSCR) Project sa Metro Manila.
Kabilang sa mga maaapektuhang ruta ang Governor Pascual hanggang Tutuban at Tutuban hanggang Alabang.
Ayon kay Transportation Secretary Jaime Baustista, ang pagpapahinto sa operasyon sa Metro Manila ay makapagpapabilis ng konstruksyon ng NSCR ng walong buwan at makakatipid din ng nasa P15 bilyon.
Ito rin aniya ay upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero habang ginagawa ang NSCR.
Tiniyak naman ng DOTr, na maglalagay sila ng mga bus sa kaparehong ruta na mula Tutuban hanggang Alabang at pabalik para sa mga apektadong pasahero.
Inaasahan naman na sa 2028 matatapos ang konstruksyon ng NSCR na makokonekta sa Clark, Pampanga hanggang sa Calamba, Laguna na kayang makapagserbisyo ng 800,000 mga pasahero kada araw. | ulat ni Diane Lear