Oplan Bantay-Biyahe Semana Santa 2024, mahigpit nang ipinatutupad ng LTFRB

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakaalerto na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa ligtas na  pagbiyahe ng mga pasahero sa buong bansa ngayong Semana Santa.

Mula Marso 22 hanggang Abril 11, 2024, ipinatutupad na ng LTFRB ang mahigpit na monitoring at regulasyon sa pampublikong transportasyon bilang bahagi ng Oplan Bantay-Biyahe Semana Santa 2024 ng ahensya.

Ayon kay LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III, nag-deploy ng mga personnel ang ahensya sa mga Complaint at Public Assistance Help Desk sa mga pampublikong terminal sa buong bansa.

Ito ay upang masigurong maayos at ligtas ang operasyon ng mga terminal, at pampublikong sasakyan.

Para sa mga nangangailangan ng tulong, maaaring makipag-ugnayan lang sa mga naka-duty na LTFRB personnel o tumawag sa  24/7 hotline sa numerong 1342.

Bukod dito, hinimok din ang publiko na manatiling updated sa mga anunsiyo at impormasyon sa opisyal na Facebook page ng LTFRB. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us