Abiso sa mga motorista.
Isasaayos ng Department of Transportation (DOTr) ang overhead pipe para sa LRT Line 2 East Extension Project Masinag sa kahabaan ng Marcos Highway Westbound.
Ito ay malapit sa Dasdasan Street sa Marikina City.
Ang nasabing pagkukumpuni ay kabilang sa 24-hour road work activities na gagawin ng DOTr ngayong panahon ng Semana Santa.
Batay sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), magsisimula ang road works ng alas-11 ng gabi ng March 27 hanggang alas-5 ng umaga ng April 1.
Pinapayuhan ang mga motorista na planuhin ang kanilang biyahe ngayong Mahal na Araw at humanap ng altenatibong ruta.| ulat ni Diane Lear