Nagsagawa ng information drive ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa mga overseas Filipino worker (OFW) sa Germany para sa programa at serbisyo ng OWWA.
Personal na tumungo si OWWA Administrator Arnel Ignacio sa Germany para personal na ihatid ang mga programa ng OWWA sa mga ito.
Aniya, nakahandang umalalay ang OWWA sa anumang tulong na kakailanganin ng mga ito habang sila ay nagtatrabaho sa ibayonng dagat.
Kaugnay nito, nagkaroon din ng meet and greet ang Filipino community kay Admin Arnel pagkatapos ng naturang information drive.
Sa huli, muling iginiit ni Ignacio na inaasahang iikot pa ang OWWA sa iba pang mga bansa para sa paghahatid ng mga programa at serbisyo ng OWWA. | ulat ni AJ Ignacio