Isang Mabilis, Maayos, Maginhawa at Masaya na seribisyo publiko ang dalang Bagong Pilipinas ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ito ang binigyang diin ni House Speaker Martin Romualdez sa pagbubukas ng Bagong Pilipinas Fair sa Oriental Mindoro.
Aniya ang BPSF ang resulta ng panawagan ng adminsitrasyonng Marcos Jr. na ilapit sa mamamayan ang mga serbisyo ng pamahalaan
Mula ngayong araw, March 9 hanggang bukas, March 10 tinatayang aabot sa P1.28 billion na halaga ng tulong pinansyal at government services ang pakikinabangan na nasa 50,000 na residente ng probinsya.
“Ito ang pangako ni Pangulong Bongbong Marcos, patuloy tayong mag-iikot at maghahatid ng tulong hanggang sa marating natin ang bawat sulok ng Pilipinas. Hinti tayo titigil kahit anumang pambabatikos at pangungutya ang ibato sa atin. Sa kauna-unahang pagkakataon, sa kasaysayan ng ng ating bansa, si President Bongbong Marcos lang ang nakagawa ng ganitong klaseng programa,” sabi ni Romualdez.
Ang BPSF sa Oriental Mindoro, na siyang kauna unahan sa MIMAROPA o Region IV-B, ang ika labintatlong sigwada ng Serbisyo Caravan.
Sa unang araw ay nasa 22 ahensya ang may bitbit na 20 serbisyo para sa mga residente ang nakilahok.
Habang sa March 10 naman, 42 ahensya ng pamahalaang nasyunal ang makikibahagi para buksan ang nasa 265 na serbisyo.
Kabilang dito ang P278 million na halaga ng tulong pinansyal.
Gaya ng province-wide AICS payout ng DSWD para sa may 28,000 benepisyaryo na nagkakahalga ng P62 million.
Magkakaroon din ng DOLE pay out para sa 9,000 indibidwal na naapektuhan ng oil spill dahil sa lumubog na MT Princess Empress na nagkakahalaga ng P115 million.
Mamamahagi rin ang Philmech ng P145 million na halaga ng agri-machineries sa 52 farmers’ cooperatives and associations (FCAs) sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Mechanization Program na binuso salig sa Rice Tariffication Law.
“Dinagdagan pa natin ang programang inihahatid natin sa ating mga Serbisyo Fair para isama ang tulong sa ating mga kooperatiba ng magsasaka. Itong mga agri-machineries na ito ay makakatulong para lalong mapayabong ang ani ng ating mga nagtatanim sa bukid,” sabi ni Speaker Romualdez.
Matapos ang Calapan City, Oriental Mindoro, nakatakdang umikot ang service caravan sa Region XIII sa Butuan City, Agusan del Norte sa suaunod na linggo at nakalinya ring ikutin ang La Trinidad, Benguet sa Cordillera Autonomous Region; Zamboanga City sa Region IX; at Tawi-Tawi sa BARMM.| ulat ni Kathleen Forbes