Nagpaabot ng tulong pinansya at pabigas si Speaker Martin Romualdez sa mga indigent at biktima ng sunod sa Puerto Princesa Palawan, katuwang ang (Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ito ay bilang paggampan ng House leader sa kaniyang pagiging legislative caretaker ng Palawan 3rd District matapos pumanaw ni Cong. Edward Hagedorn.
Pinangunahan ni Romualdez ang ceremonial distribution ayuda sa 2,200 na indigent para sa Cash and Rice Assistance Program o CARD.
Nakatanggap sila ng P3,000 na cash aid mula DSWD at tig-limang kilong bigas mula sa Office of the House Speaker.
“Umasa po kayong mga taga-Puerto Princesa na ang inyong lingkod ay kasama ninyo sa lahat ng pagsubok na dadaanan. At gagawin natin ang lahat, ayon sa bata upang maiabot ang inyong mga pangangailangan tungo sa sabay-sabay nating pag-unlad,” sabi ni Romualdez.
Sa hiwalay na programa ay pinaabutan din ng tulong ang halos 700 nasunugan mula sa tatlong magkakahiwalay na sunod.
Pinagkalooban sila ng P2,500 hanggang P10,000 sa ilalim ng AICs program ng DSWD.
“Maliit na ambag lamang ito para sa araw-araw na pangangailangan ninyo, pero malaking hakbang tungo sa pagbangon ng inyong komunidad. Tulad po ng sinasabi ng ating Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sama-sama, babangon tayo muli,” dagdag niya.
Kasama ni Speaker Romualdez sa pagbisita sa Palawan sina Deputy Majority Leader Erwin Tulfo, ACT-CIS Partylist Rep. Edvic Yap, Palawan 2nd District Rep. Jose Alvarez, Western Command commander Vice Admiral Alberto Carlos, at iba pang lokal na opisyal ng Puerto Princesa.
Matapos nito ay bumisita rin ang House leader sa Armed Forces of the Philippines (AFP)-Western Command (WESCOM) headquarters.
Dito muling tiniyak ni Romualdez sa mga kasundaluhan na ang Kamara at ang administrasyong Marcos ay sinisiguro ang isang malakas at well-equipped na militar gayundin ang pagkakaroon ng isang matatag na national defense.
Kaya naman bilang pagkilala sa kanilang dedikasyon nagpaabot din ang Kamara ng P200,000 na halaga ng bigas at grocery para sa mga unipormadong hanay ng WESCOM.
“I want to assure every member of the Armed Forces that the House of Representatives, along with the national government, stands firmly behind you.We are committed to ensuring that your needs are met, your capabilities are enhanced, and your welfare is prioritized. Your dedication to our country inspires us, and it is only right that we support you with the resources necessary to carry out your noble duties,” sabi ni Romualdez. | ulat ni Kathleen Jean Forbes