Ipinagkaloob ng United Arab Emirates ang P55 milyong halaga ng relief supplies sa mga biktima ng Masara Landslide sa Davao de Oro.
Ang turnover ceremony sa Barangay Elizalde, Maco, Davao De Oro nitong Linggo ay pinangunahan nina DSWD Secretary Rex Gatchalian, Davao de Oro Governor Dorothy Montejo-Gonzaga, at 1001st Infantry Brigade Commander Brigadier General Felix Ronnie B. Babac kasama si United Arab Emirates Ambassador to the Philippines, His Excellency Mohammed Obaid Alqattam Aizaba.
Ang relief goods na binubuo ng 5,000 kahon ng family food pack ay ipapamahagi sa mga benepisyaryo sa koordinasyon ng Davao de Oro Provincial Government at Municipality of Maco.
Nagpasalamat si Sec. Gatchalian sa U.A.E. sa kanilang donasyon at sa 10th Infantry (Agila) Division ng Philippine Army sa kanilang pagsuporta sa relief operations ng DSWD.
Tiniyak naman ni 10ID Commander Major General Allan D. Hambala ang patuloy na suporta ng 10ID para maiparating ang tulong sa lahat ng apektadong komunidad sa Davao de Oro. | ulat ni Leo Sarne
📷: 10ID