Pormal nang idineklara ng PAGASA ang pagtatapos ng hanging Amihan.
Ayon sa PAGASA, nagbago na ang wind pattern mula sa northeasterly at paglakas ng air temperature sa maraming bahagi ng bansa.
Dahil dito, ito na anila ang hudyat ng pagsisimula ng ‘warm at dry season’ o panahon ng tag-init.
Inaasahan na makakaranas ng mas maraming bilang ng tuyo at mainit na panahon sa mga darating na buwan.
Gayunman, makararanas din ng mga ‘isolated thunderstorm’ sa gabi.
Nagpaalala naman ang PAGASA sa publiko at lahat ng ahensya ng pamahalaan na mag-ingat sa heat stress, magtipid sa paggamit ng tubig, at mag-ingat sa mga sakit na dala ng climate change.
Dahil sa epekto ng El Niño, patuloy din na magiging mababa sa normal ang mga pag-ulan na magreresulta sa mga dry spell at tagtuyot. | ulat ni Diane Lear