Mariing kinondena ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Rep. France Castro ang napaulat na presensya at panghihimasok ng dalawang chinese research vessel sa Benham Rise na sakop ng exclusive economic zone ng Pilipinas.
Aniya ang ibinahaging impormasyon ni former United States Air Force official Ray Powell tungkol sa paglalayag ng barko ng China sa ating teritoryo partikular “protected food supply exclusive zone” ay lubhang nakababahala at maituturing na banta sa ating soberanya at maritime rights.
Bagamat madalas nang napapaulat ang presesnya ng Chinese vessels sa West Philippine Sea, ang presensya ng barko ng China sa hilagang silangang bahagi ng bansa ay malinaw na paglabag sa ating soberanya.
Dahila naman sa hindi pa tukoy kaung ano ang pakay ng naturang mga barko ay mahalaga ani Castro sa mga otoridad na magsagawa ng imbestigasyon.
Kailangan aniya na maghigpit at paigtingin pa ng pamahalaan ang pagbabantay sa ating territorial integrity at maritime rights.
Panawagan pa ni Castro sa administrasyon Marcos na tutukan ang panghihimasok na ito ng China, paggiit sa ating soberanya at pag-protekta sa ating resources at territorial integrity. | ulat ni Kathleen Forbes