Nagpahayag ng pagkabahala si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kaugnay sa pinakahuling akto ng agresyon n China sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).
Sa media interview sa Pangulo sa Melbourne, sinabi nito na tinitingnan ng pamahalaan ang insidente ng pagbangga at muling paggamit ng Chinese Coast Guard (CCG) ng water canon sa Philippine Coast Guard (PCG) vessels nang mayroong mataas na lebel ng alarma, lalo’t nagpapatuloy ang mga ganitong insidente ng dangerous maneuvers at dangerous action laban sa mga tauhan ng PCG.
Kung saan napinsala pa ang sasakyang pandagat ng bansa, na nagresulta rin sa pagkakasugat ng ilang tauhan ng PCG.
Gayunpaman, sabi ng Pangulo hindi pa rin ito ang panahon o dahilan upang i-invoke naman ang Mutual Defense Treaty sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
“I do not think that it’s time or reason to invoke the Mutual Defense Treaty, however we continue to view with great alarm, these continuing dangerous maneuvers and dangerous action against our seaman, our coast guard.” —Pangulong Marcos
Pagbibigay diin ng Pangulo, patuloy na ipababatid ng bansa ang pagtutol at pagkondena nito sa mga ganitong aksyon ng China, at umaasa ang Pangulo na makahahanap ng mga paraan upang hindi na muling maulit ang mga ganitong insidente sa WPS.
“We cannot view this in any way, but in the most serious way. Once again, we will make our objections known. I hope we can continue to communicate to find a ways so that such actions are no longer seen in the West Phikippine Sea.” —Pangulong Marcos Jr.
Kaugnay nito, maghahain ang Pilipinas ng diplomatic protest laban sa pinakahuling harassment na ito ng China sa PCG. | ulat ni Racquel Bayan