Pagbawas ng Pilipinas sa interest rates nito, masyado pang maaga – Pangulong Marcos Jr.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tugon ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nang hingan ng posisyon sa Philippine cut rates, dahil sa umano’y mataas na interest rates sa bansa.

Sa isang panayam, ipinaliwanag ng pangulo na nakikipaglaban pa rin ang Pilipinas sa inflation.

Bagamat nagagawa aniya ng bansa na kontrolin o mapagaan ang epekto nito, patuloy pa rin aniya ang pagpasok ng mga external shock sa bansa.

“We’re still battling inflation. Inflation is still our biggest problem. And when you, when you separate core inflation to inflation that involves agri product, for example, you can see that the core inflation, we’re doing rather well in terms of controlling it. But again, these shocks that keep coming in.” -Pangulong Marcos.

Gayunapaman, pagsi-sisiguro ng pangulo, ang pamahalaan, nakatutok sa pinakahuling sitwasyon at palaging pinaga-aralan ang posibilidad na ito.

Hindi pa lamang aniya nakikita ng gobyerno na ito na ang panahon para sa pagbawas ng interest rates sa bansa. “Perhaps we look at it almost every week to see if it’s time to bring down the rates. We are not yet there.” -Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us