Pagkakapasa ng Kamara sa panukalang Economic Cha-Cha, di dapat makaapekto sa takbo ng pagtalakay nito sa Senado — Sen. Imee Marcos

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi dapat maapektuhan ang takbo ng pagtapakay ng Senado sa Resolution of Both Houses no. 6 o ang panukalang Economic Cha-Cha dahil lang naipasa na ng Kamara ang kanilang bersyon nito o ang kanilang Resolution of Both Houses no. 7.

Ito ang pahayag ni Senador Imee Marcos matapos maaprubahan ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang RBH-7.

Ayon kay Marcos, hindi dapat maapektuhan ng development na ito ang bilis at paraan ng deliberasyon ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso sa panukalang amyenda sa economic provision ng Saligang Batas.

Aniya, ang isa sa pinakamahalagang isyu na dapat pagtuunan ay ang rules sa pagsasagawa ng botohan ng Constituent Assembly.

Una nang sinabi ni Senate Subcommittee on Constitutional Amendments Chairperson Sonny Angara na mayroong sariling schedule ang Mataas na Kapulungan para sa cha-cha dahil hindi lang aniya ito ang prayoridad ng Senado.

Wala rin aniyang pagbabago sa naunang inanunsyong schedule para sa RBH-6 at target itong maipresenta sa plenaryo ng Senado bago ang SONA ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Hulyo. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us