Suportado ng Department of Energy (DOE) ang pag-amyenda sa economic provisions ng 1987 Constitution upang makapasok ang foreign investors sa bansa.
Sa ikatlong araw ng pagdinig ng House Committee of the Whole sa Resolution of Both Houses No. 7, sinabi ni DOE Undersecretary Sharon Garin inaasahan na aabot sa 1.5 million na trabaho ang malilikha sa renewable energy (RE) sector dahil sa mga bagong kontrata na natapos noong 2023.
At kapag pinayagan na umano ang 100% foreign ownership sa RE sector ay inaasahan na mas marami pang trabaho ang malilikha.
Halimbawa nito ay sa mga pantalan, power transmission, at pagmimina, partikular ang Vanadium na isang sangkap na ginagamit sa paggawa ng space vehicle, nuclear reactor, aircraft carrier, at iba pa.
“Other than investments in the development of [RE], other components that will come in because of the trillions of investment from foreign investors is port development. We will need at least 10 new ports in order to cater to offshore wind projects,” ani Garin.
“In mining, the battery components include rare earth metals from our indigenous resources, including Vanadium and Scandium (an aluminium-scandium alloy used in Russian MIG fighter planes, high-end bicycle frames, and baseball bats). The additional transmission lines, including a newly proposed smart green grid, will require more copper,” dagdag pa nito.
Ayon pa sa opisyal matapos ang amyenda sa Implementing Rules and Regulations ng renewable energy kung saan pinapayagan na ang 100% foreign ownership dito ay lumaki ang dayuhang pamumuhunan.
Isa na nga aniya ang CIP or Copenhagen Infrastructure Partners na unang foreign investor na pinayagan ng exclusivity sa pag-develop ng RE sa Pilipinas na nag-invest ng $5-billion USD para sa tatlong offshore wind energy.
“CIP is investing $5 billion to develop three offshore wind energy projects in the Philippines with potential capacity of 2,000 MW or 2 GW: 1,000 MW in Camarines Norte and Sur, 650 MW in Northern Samar, and 350 MW in Pangasinan and La Union. It will create 4,500 jobs, generate enough power to supply 1 million households, and offset 2.9 million tons of CO2 emissions per year,” sabi niya.
Ayon kay Garin ang Pilipinas ang ikaapat sa pinaka-attractive na bansa para sa green energy investment sa listahan ng 110 bansa.
Kaya naman maliban sa pondo o kapital ang pagpasok ng mga dayuhang mamumuhunan sa bansa ay makapagdadala rin ng bagong teknolohiya. | ulat ni Kathleen Jean Forbes