Muling Iginiit ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo ang pagpapaigting ng relasyon ng Pilipinas at bansang India.
Sa isang Joint Press Conference, sinabi ni Sec. Manalo, kasama si Indian External Affairs Subrahmanyam Jaishankar, na malugod na ikinatutuwa ng Pilipinas ang pagpapalakas ng bilateral relations and cooperation ng dalawang bansa.
Dagdag pa ni Manalo na binabalangkas na ng DFA ang pagkakaroon ng e-visa system ng dalawang bansa upang masa mapadali na ang pagpasok ng turismo ng India at Pilipinas.
Sa huli, nagpapasalamat ang DFA sa naging pagtulong nito kamakailan sa mga tripulanteng naipit rocket launch ng Houti rebels dahil sa pagtulong nito sa ating mga kababayan na makabalik sa ating bansa.| ulat ni AJ Ignacio