Pinag-usapan ng Department of National Defense (DND) at United States Department of Defense (DoD) ang pagpapalawak ng kapabilidad ng mga Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites sa bansa.
Ito’y sa pagpupulong ni DND Assistant Secretary for Logistics, Acquisition, and Self-Reliant Defense Posture Joselito B. Ramos kay US Assistant Secretary of Defense for Acquisition and Sustainment Christopher J. Lowman, sa pagbisita ng huli sa DND headquarters sa Camp Aguinaldo.
Natalakay ng dalawang opisyal ang “logistic capabilities” ng mga EDCA site, kung saan ibinahagi ni Asec. Ramos ang malaking kapasidad ng mga EDCA site para pag-imbakan ng kagamitan.
Ibinahagi din ni Asec. Ramos ang mga hamong kinakaharap ng DND sa logistics, transportation, resupply, overhaul, at maintenance sa mga EDCA site.
Nagkasundo naman ang dalawang opisyal na pagtulungang resolbahin ang mga “capability gap” sa mga EDCA site at palakasin ang kooperasyon sa pagitan ng mga magkakasundong bansa sa rehiyon. | ulat ni Leo Sarne
📷: DND