Pabor si Sen. Bong Go na palawakin pa ang imbestigasyon sa mga iligal na istrukturang itinayo sa Chocolate Hills.
Kasunod ito ng plano ng Senate Committee on Tourism na paigtingin ang imbestigasyon sa isyung ito kahit pa malapit na ang session break.
Ayon kay Sen. Bong Go, na miyembro rin ng naturang komite, handa siyang sumama sa pag-iinspeksyon sa Bohol para matukoy kung marami ba ang mga istrukturang itinayo sa Chocolate Hills.
Giit ng senador, bagamat malaking bagay ang paglago ng turismo, hindi naman dapat na isinasaalang-alang dito ang proteksyon ng mga likas yaman ng bansa lalo na ng mga ‘protected area’.
Tinukoy rin ng senador ang mga pagbaha at kalamidad na tumatama sa bansa na posibleng mas lumala kung hindi mapapangalagaan ang kalikasan.
Ayon sa senador, dapat na sumunod na lang sa tama at ligal na proseso ang mga nasasangkot sa isyu ng mga istrukturang nakatayo sa Chocolate Hills. | ulat ni Merry Ann Bastasa