Kumpiyansa ang ilan sa mga mambabatas na makakayanan naman ni Senate President Juan Miguel Zubiri na makakalap ng 18 boto para mapagtibay ng Senado ang panukalang amyenda sa economic provisions ng Saligang Batas.
Ayon kina Lanao del Sur Representative Zia Alonto Adiong at Quezon City Representative Marvin Rillo may malawak namang karanasan si Zubiri bilang mambabatas para makumbinsi ang kaniyang mga kapwa senador.
“Given his track record as a legislator. He is one of the best Majority Leaders that the Senate has ever produced. He has all the available techniques, strategies to come up with this number. In fact, that he’s still there as the Senate President proves that he has the numbers to deliver,” ani Adiong.
Sinabi pa ni Adiong na positibong development din na pinagtibay ng Senado ang kanilang internal rules and procedures kung paano tatalakayin ang economic charter amendments.
“Optimistic pa rin po ako dahil unang-una, SP (Zubiri) has already given his assurance to the President. Remember in one of his interviews in previous months, he claimed that he sat with the President many times including some of the senators, his colleagues… lahat naman yata kaibigan si SP Migz, amenable na tao po iyan. So, maybe he can use that, his charm, if he’s having trouble garnering votes of 18,” ayon pa kay Adiong.
Ang pagkalap sa sapat na boto ang magiging hamon ngayon sa pamumuno ni Zubiri ayon kay Rillo, ngunit dahil sa magaling naman aniya itong mambabatas ay tiyak siyang maisasakatuparan niya ito.
“Now it is a challenge to his leadership because this time, ngayon naiintindihan na ng taong-bayan na talagang ang Cha-Cha ay para sa tao. More jobs, more business investors, lowering the inflation – pagbaba ng pangunahing bilihin, pagkakaroon ng pagkain sa hapag kainan ng bawat Pilipino…Ipinapasa na po namin ang bola sa Senado. Now, it is a big challenge to the leadership of our Senate President that if they are truly for the people, they would do their part,” sabi ni Rillo. | ulat ni Kathleen Jean Forbes