Nagsagawa ng Full Council Meeting sa kauna-unahang pagkakataon ngayong taon ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Pinangunahan ni NDRRMC Chairperson at Defense Sec. Gilbert Teodoro Jr. ang pagpupulong kasama sina DOH Sec. Ted Herbosa gayundin ang mga opisyal mula sa DSWD at DENR.
Layon ng nasabing pulong ang streamlining o mabilis na data collection at papaigting ang hazard information dissemination sa publiko sa ilalim ng National Disaster Response Plan 2024.
Tinalakay din dito ang mga inisyatiba na ginagawa ng Pamahalaan sa pagtugon sa iba’t-ibang kalamidad gaya ng iba’t ibang sakit gayundin ang early warning system protocols sa tuwing may pagbaha at pagguho ng lupa.
Sa kaniyang panig, umapela si Herbosa na konseho na suportahan ang mobilisasyon ng bakuna at logistical resources lalo na sa Bangsamoro Region.
Mabilis na pagtukoy sa relokasyon ng mga apektado ng kalamidad ang inilatag naman ng Department of Social Welfare and Development.
Habang ang pagpapalakas sa disaster mitigation at early warning protocols ang siyang binigyang diin ng Mines and Geosciences Bureau ng DENR. | ulat ni Jaymark Dagala