Kasalukuyang isinasaayos pa ng Department of Migrant Workers (DMW) ang repatriation sa 63 mga Pilipino sa Haiti nais na umuwi sa Pilipinas.
Ito ay dahil sa nagpapatuloy na kaguluhan doon ng iba’t ibang grupo.
Ayon kay Migrant Workers officer-in-charge Hans Leo Cacdac, isinasaayos pa ang charter flights para sa nasabing mga Pilipino.
Kabilang aniya sa mga hamon na kinakaharap nila ngayon ay sarado ang mga international airport sa Haiti, gayundin ang mga land travel ay ipinagbabawal.
Ani Cacdac, nakikipag-ugnayan sila ngayon sa Department of Foreign Affairs at Philippine Embassy sa Washington upang makauwi sa bansa sa lalong madaling panahon ang 63 mga Pilipino.
Sa ngayon, wala pa namang naiuulat na mga Pilipinong apektado o nasagutan sa nagpapatuloy na security crisis dahil sa away ng iba’t ibang gang sa Haiti. | ulat ni Diane Lear