Tutol ang Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) na bigyan ng karapatan na mag-may-ari ng matataas na kalibre ng baril ang mga private individuals.
Ayon kay PTFoMS Executive Director Paul Gutierrez, nakakabahala ang desisyong ito ng Philippine National Police (PNP) dahil mistulang hindi nila kayang bantayan ang komunidad.
Makakalikha daw ng takot ang desisyon ng PNP lalo na sa hanay ng media at pribadong indibidwal.
Apela ni Gutierrez sa PNP, rebyuhin nito ang naging desisyon at ikonsidera ang maaaring maging resulta nito sa lipunan.
Noong nakaraang linggo, mismong ang PNP Public Information ang nag-anunsyo na papayagan na muli ng PNP na magkaroon ng malalakas na kalibre ng baril ang mga pribadong indibidwal upang mabantayan nila ang kanilang sarili. | ulat ni Mike Rogas