Inaasahan ng Department of Agriculture (DA) ang muling pagsigla ng industrya ng asin sa bansa kasunod ng paglagda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Philippine Salt Industry Development Act.
Ayon kay DA Spokesperson Assistant Secretary Arnel De Mesa, itinatakda ng batas ang pagbalangkas ng roadmap na nakatutok sa pagpapalago ng salt industry.
Mayroon na rin aniyang pondong ilalaan para tiyaking matututukan ang industriya kasama ang mechanization, post-harvest, at pati na research and development.
Para kay Asec. De Mesa, malaki ang maitutulong ng batas na ito para mapalago ang produksyon ng mga salt farmers sa bansa.
Sa ganitong paraan, unti-unti rin aniyang matutugunan ang malaking demand ng Pilipinas sa asin na kadalasang ini-import pa sa ibang bansa. | ulat ni Merry Ann Bastasa