Tiwala ang National Economic and Development Authority (NEDA) na matutuldukan na ang mga matagal nang problema sa mga paliparan.
Ito ang inihyag ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan makaraang selyuhan na ang consession agreement para sa Ninoy Aquino International Airport – Public Private Partnerhip (NAIA-PPP) Project.
Ayon kay Balisacan, sa pamamagitan nito ay mabibigyan na ng komportableng biyahe ang mga Pilipino dahil hindi na nila kailangang pumila ng mahaba at matagal.
Maiiwasan na rin nito ang pagkaantala sa biyahe at tiyak ding makahihikayat ito ng mas maraming mga Pilipino at dayuhan mula sa ibayong dagat na magtungo rito sa Pilipinas.
Sa ganitong paraan ani Balisacan, kumpiyansa siyang gaganap ito ng mahalagang papel para matamo ng bansa ang ganap na paglago ng ekonomiya.
Naka-angkla rin aniya ito sa kanilang hangarin na magkaroon ng mabilis at maginhawang paglalakbay ang mga biyahero na papasok at palabas ng Pilipinas. | ulat ni Jaymark Dagala