Pagtataguyod ng PH Army sa comprehensive archipelagic defense concept, tiniyak ni Gen. Galido

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ni Philippine Army Chief Lieutenant General Roy Galido ang commitment ng Philippine Army na itaguyod ang Comprehensive Archipelagic Defense Concept (CADC) sa pagtatapos ng Exercise Katihan, ang unang malawakang pagsasanay ng Phil. Army.

Ito’y kasabay ng pagdiriwang ng Ika-127 Anibersaryo ng Hukbong Katihan sa Makabulos Grandstand, Training and Doctrine Command, Camp O’Donnell, Capas, Tarlac kaninang umaga.

Dumalo sa isinagawang programa na nakasentro sa temang “Matatag na Hukbong Katihan para sa Bagong Pilipinas” si Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro na kumatawan kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Gen. Galido na ang pagdiriwang ng kanilang anibersaryo sa lugar kung saan nagsasanay ang mga tropa ay pagpapatatoo ng malaking pagbabago sa mga dati nang nakagawian ng Phil. Army.

Sinabi ng heneral, na mas maraming bagong training facility ang itinatayo ng Training and Doctrine Command sa iba’t ibang panig ng bansa, dahil mahalagang matuto ng mga bagong pamamaraan ang mga tropa sa pagdepensa sa bansa mula sa mga bantang panlabas.

Bahagi aniya ito ng kontribusyon ng Phil. Army sa Comprehensive Archipelagic Defense Concept ni Sec. Teodoro. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us