Pahayag ng China Coast Guard sa resupply mission ng Pilipinas sa Ayungin Shoal, kinondena ni Sen. Francis Tolentino

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinondena ni Senador Francis Tolentino ang naging pahayag ni China Coast Guard Spokesperson Gan Yu tungkol sa ginagawa ng Pilipinas na resupply mission sa ating mga tropa na nakatalaga sa BRP Sierra Madre sa may Ayungin Shoal.

Base kasi sa pahayag ni Yu, sinasadya at nakagagalit aniya ang ginagawa ng Pilipinas at tayo pa aniya ang lumalabag sa soberanya, karapatan, at interes ng China.

Kahihiyan din aniya ang ginagawa ng Pilipinas na mag-resupply sa ating mga tropa sa Ayungin Shoal.

Sinabi naman ni Tolentino, na siyang chairperson ng Senate Special Committee on Maritime and Admiralty Zones, kabastusan na ang naging pahayag ng tagapagsalita ng CCG.

Hindi rin aniya layunin ng pamahalaan na ipahiya ang kahit na sino lalo na ang sarili nating bansa at ang misyon lang ay maghatid ng supply sa ating mga tropa sa Ayungin Shoal.

Samantala, ikinabahala naman ni Tolentino ang ginawang muling pagharang at pag-atake ng dalawang barko ng Chinese Coast Guard sa civilian resupply boat na kinomisyon ng Armed Forcse of the Philippines (AFP) para maghatid ng suplay sa ating mga tropa sa BPR Sierra Madre.

Pero iginiit ng senador na ipagpapatuloy lang ng bansa ang pagsasagawa ng resupply mission sa ating mga tropa kahit pa sa gitna ng pangha-harass na ginagawa ng China. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us