Tiniyak ni House Speaker Martin Romualdez na nakatutok ang pamahalaan sa pagpapatupad ng mga programa para maibsan ang epekto ng mataas na inflation sa gastos ng mga Pilipino.
Aniya pinaglaanan ng sapat na pondo sa ilalim ng 2024 National Budget ang mga ayuda program para naman mabawasan ang pasanin ng publiko lalo na ng vulnerable sector sa taas presyo ng bilihin.
Pinapalakas din aniya ng Marcos Jr. administration ang produksyon ng agrikultura upang masigurong may sapat at stable na bilihin.
Pinatatatag din ng gobyerno ang supply chain sa pamamagitan ng trade relationships at pamumuhunan sa imprastraktura upang maiwasang maapektuhan ng global economic fluctuations on our country.
Sabi pa ng House leader na batid ng gobyerno ang hamong kinakaharap ng mga Pilipino at hindi ito pababayaan
“We reassure every Filipino that the government is unwavering in its dedication to navigating these challenges effectively. We are continuously assessing the situation and are ready to adapt our strategies to ensure that our policies promote sustainable growth and enhance the well-being of every Filipino.” sabi ni Romualdez
Sa hiwalay naman na pulong balitaan sinabi ni House Committee on Labor and Employment Chair Fidel Nograles na maliban sa umento sa sahod, pinag-aaralan din ng Kamara ang mga non wage benefits para sa mga manggagawa.
Kabilang dito ang pagpapalakas sa progragmang pabahay sa mga manggagawa, scholarship programs sa pamamagitan ng TESDA at iba pa. | ulat ni Kathleen Forbes