Makakaasa ang mga Pilipino na maiuuwi ng Philippine Government sa bansa si dating Rep. Arnulfo Teves Jr., na matagal nang pinaghahanap ng mga otoridad dahil sa pagkakasangkot sa pamamaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at siyam na iba pa, noong March 2023.
Pahayag ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasunod ng pagkaka-aresto kay Teves sa Timor Leste, kahapon.
Sa naging mensahe ng Pangulo, pinapurihan nito ang balikatan ng Philippine enforcement agencies at International Police sa pagkaka-aresto kay Teves.
“I commend the collaborative efforts of our law enforcement agencies and our international partners in the successful arrest of former congressman Arnolfo “Arnie” Teves Jr. in Timor-Leste.” —Pangulong Marcos Jr.
Nagpasalamat rin ang Pangulo sa mga tumulong upang patuloy na maitaguyod ang peace and order.
Gagawin aniya ng pamahalaan ang lahat upang harapin ni Teves ang mga reklamong inihain laban sa kanya.
“Rest assured that the government will take all necessary actions to bring him back to the country so he can face the charges filed against him.” —Pangulong Marcos
Makakaasa rin aniya ang mga Pilipino na mananaig ang hustiya sa kasong ito.
“I assure the Filipino people that we will spare no effort in ensuring that justice will prevail in this case. I extend my heartfelt gratitude to all those involved in this operation for their unwavering dedication to upholding peace and order.” —Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan