Inihain ng mga mambabatas mula Pampanga ang House Bill 10014 o panukala na ideklara ang Pampanga bilang “Culinary Capital of the Philippines.”
Pinangunahan ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Representative Gloria Macapagal Arroyo ang paghahain ng panukala kasama sina Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr., at Representatives Anna York Bondoc at Carmelo Lazatin II na layong palakasin ang gastronomic tourism ng lalawigan.
Malaking tulong din anila ito sa pagbibigay kabuhayan sa mga Kapampangan.
Kaya naman para makuha rin ang suporta ng mga kasamahang mambabatas ay nagkaroon ng food exposition sa Kamara upang ipakita ang cultural heritage ng Kapampangan food at ang ambag nito sa national culinary identity ng Pilipinas.
Ilan sa mga ibinadang pagkain ang sisig, kilayin, bistig baka, lagat puso, morcon, at iba pa. | ulat ni Kathleen Jean Forbes