Nagsagawa ng dayalogo ang pamunuan ng Eulogio Amang Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST) at mga student leader nito kaugnay sa umano’y pwersahang pagpapagupit ng buhok ng isang mag-aaral na transgender bago ito makapag-enroll.
Ito ay matapos na pumagitna na si Commission on Higher Education Chairman Prospero De Vera sa nasabing usapin.
Kabilang sa mga napagkasunduan sa pulong ang hindi na pagharang sa mag-aaral na makapag-enroll kahit na gaano pa kahaba ang buhok nito.
Babaguhin din ang haircut, admission, at uniform policy at tiniyak ng paaralan na isusulong ang gender-sensitivity.
Mag-oorganisa rin and CHED ng mga workshop sa mga higher education institution upang magbahagian ng best practices kaugnay sa gender sensitivity at mapabuti ang mga student policy sa hinaharap. | ulat ni Diane Lear