Tiniyak ni Philippine Army Chief Lieutenant General Roy Galido ang commitment ng Philippine Army na pangalagaan ang seguridad ng mga miyembro ng media.
Ito’y sa pagbisita ni Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) Executive Director Undersecretary Paul Gutierrez kay Lt. Gen. Galido sa Army Headquarters sa Fort Bonifacio, Taguig, kahapon.
Kabilang sa mga opisyal na sumalubong kay Usec. Gutierrez ay si Philippine Army Public Affairs Office Chief at Spokesperson Colonel Louie Dema-ala, at Philippine Army Assistant Chief of Staff for Civil-Military Operations Colonel Eufracio Joel Malig Jr.
Sa kanilang pagpupulong, sinabi ni Lt. Gen. Galido kay Usec. Gutierrez na kinikilala niya ang mahalagang papel ng media sa lipunan, at ibibigay ng Philippine Army ang kanilang buong kooperasyon sa PTFoMS, para masiguro na magagawa ng mga mamamahayag ang kanilang trabaho nang walang pangamba at takot.
Ang PTFoMS ay nilikha sa panahon ng nakalipas na administrasyon sa pamamagitan ng Administrative Order 1 Series 2016. | ulat ni Leo Sarne
📸: SSg. Cesar P Lopez, PA/OACPA