Hinikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga opisyal ng WPD GmbH, isang kumpaniya na nakatutok sa development ng wind at solar projects, na higpitan ang pakikipagtulungan sa pamahalaan ng Pilipinas.
Partikular para sa panghahatak ng foreign manufacturers ng renewable energy components, tulad ng propellers at storage batteries, sa bansa.
Sa sidelines ng Working Visit ng Pangulo sa Berlin, Germany, nakipagpulong ito sa WPD GmbH, kung saan sinabi ng Pangulo na ang hakbang na ito ang sisiguro sa pagbawas ng production cost sa renewable energy sector.
Tumutok ang pulong na ito sa ongoing development projects ng kumpaniya para sa paggtatayo ng offshore wind farms sa Cavite, Negros Occidental, at Guimaras.
Binigyang diin ng Pangulo ang kahalagahan ng proyektong ito sa pagsusulong ng renewable energy (RE) sources sa Pilipinas.
Ang proyektong ito, tinatayang nagkakahalaga ng Php 392.4 billion, na nagsisilbing pinakamalaking foreign investment na naitala ng Board of Investments (BOI) sa 2023.| ulat ni Racquel Bayan