Tinamaan ng trangkaso sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta – Marcos.
Kasunod na rin ito ng kaliwa’t kanang aktibidad ng Pangulo nitong mga nakaraang linggo.
Ito ang kinumpirma ng Malacañang ngayong gabi (March 20), makaraang kakitaan ng flu-like symptoms ang Pangulo at Unang Ginang.
Sa kasalukuyan, nananatili namang stable ang vitals nina Pangulong Marcos.
“Following their full schedule these last few days, the President and the First Lady developed flu-like symptoms. They have been taking fluids and medication to alleviate their symptoms. Currently, their vitals remain stable.” —PCO.
Ayon sa Palasyo, upang masiguro ang mabilis na paggaling ng Unang Ginang at ni Pangulong Marcos, pinayuhan na sila na kanilang attending physician na magpahinga na muna, uminom ng gamot at maraming tubig, upang mapagaan ang pakiramdam ng mga ito.
“To ensure their speedy recovery, they have been advised by their attending physician to get some rest.” —PCO.
Ang mga aktibidad ng Pangulo na naka-schedule sa mga susunod na araw ay kinansela na muna ng Palasyo.
“All his appointments today and in the succeeding days have been cancelled.” —PCO Secretary Garafil.| ulat ni Racquel Bayan