Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ginagawa ng pamahalaan ang lahat upang dalhin ang kaunlaran at progreso sa dating ‘areas of conflict’ sa rehiyon ng Mindanao.
Sa ambush interview sa Chief Executive sa Sumisip, Basilan, sinabi nitong magpapatuloy ang pagtutulungan ng national government, BARMM Government, at mga lokal na pamahalaan upang makamit ang tina-target na kasaganahan sa mga Lugar na dating labanan.
Binigyang diin ng Pangulo, na maihahatid din ang kailangang livelihood o kabuhayan sa mga Lugar sa Kamindanawan na subject na gawing mga progresibong Lugar.
Hindi aniya sapat na naibalik lang ang kapayapaan, kung hindi dapat na rin aniyang isunod dito ang mithiing abutin ang kaunlaran.
Pinangunahan ng Pangulo ang Panabangan Si Kasanyangan o Peace Offering Ceremony sa Sumisip Basilan. | ulat ni Alvin Baltazar