Nagtalaga si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng bago at dekalibreng senior officials ng Department of Finance (DOF) na siyang susuporta kay finance Sec. Ralph Recto upang matiyak ang fiscal sustainability at paglago ng ekonomiya.
Pinaslaamatan ni Recto ang Pangulo sa kanyang makakasama sa kagawaran.
Kabilang sa mga bagong talagang opisyal ay si Rolando G. Tungpalan na magsisilbing Undersecretary of the Corporate Affairs and Strategic Infrastructure Group.
Kabilang sa kaniyang magiging tungkulin na i-fast track at roll out ang Build Better More program at tiyakin na pagpapatupad ng pamahalaan ng mga programa para sa investment kabilang na dito ang paglalatag ng red carpet sa mga foreign investors.
Si Tungpalan ay seasoned economist na nagsilbi bilang Undersecretary for Investment Programming ng National Economic and Development Authority (NEDA).
Itinalaga din sa pwesto si Joven Balbosa bilang Undersecretary for the International Finance Group (IFG).
Si Gerald Alan A. Quebral bilang bagong Assistant Secretary for the Revenue Operations Group (ROG).
Si Sharon P. Almanza ay inappoint bilang National Treasurer matapos nitong magsilbi bilang Officer-in-Charge ng Bureau of the Treasury (BTr).
Inappoint din si Ms. Donalyn U. Minimo bilang Director IV of the IFG, at Ms. Cherry Mae P. Gonzales bilang Director IV ng Information Management Service (IMS).| ulat ni Melany V. Reyes