Kaisa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng mga Kristiyano sa selebrasyon ng pagkabuhay ni Hesus Kristo.
Sa mensahe ng Pangulo para sa Linggo ng Pagkabuhay, umaasa ito na magsilbing inspirasyon para sa lahat ang kaganapang ito upang malampasan ang mga pinagdadaang personal at spiritual challenges ng bawat isa.
Umaasa rin ng Pangulo na magsilbing inspirasyon ang araw na ito, upang maging mapagbigay at ibahagi sa kapwa ang mga biyayang natatanggap.
“Let us draw inspiration from this important narrative as we overcome our personal and spiritual challenges. May this day also excite our hearts to live a Christ-like life, especially in sharing our blessings in whatever form to the poor, the sick and the downtrodden.” —Pangulong Marcos.
Sa huli, humiling ang Pangulo ng pagkakaisa sa pananalangin para sa patnubay ng Maykapal, sa sama-samang pag-abot ng isang Bagong Pilipinas.
“Finally, let us unite in praying for the continued guidance of God Almighty in our collective pursuit to build the Bagong Pilipinas that we are destined to achieve. I wish everyone a happy and blessed Easter Sunday.” —Pangulong Marcos.| ulat ni Racquel Bayan