Patuloy na nagta-trabaho si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kabila ng naririyan pa ring trangkaso na kapwa tumama sa kanila ni First Lady Liza Marcos.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), may pagbuti na sa kalagayan ng first couple.
Ganunpaman, nananatili pa rin aniya ang sintomas ng trangkaso kaya’t ang payo ng doktor kina Pangulong Marcos Jr. at First Lady ay ituloy lamang ang pag-inom ng gamot, pag inom ng maraming tubig at pagpapahinga para sa mabilis na paggaling.
Sa harap nito’y patuloy pa rin ang Pangulo sa pakikipag-ugnayan at pagbibigay ng direktiba sa kaniyang mga opisyal.
Asahan din aniya ang Presidente na ipagpapatuloy ang kaniyang engagements sa lalong madaling panahon sa sandaling mabigyan na ito ng clearance ng kanyang doktor para muling sumabak sa trabaho. | ulat ni Alvin Baltazar