Naglabas ng paliwanag ang Department of Energy hinggil sa naranasang blackout sa Isla ng Panay.
Ayon sa DOE, Marso 1, mag-a-alas-7 ng gabi nang mag-shut down ang tatlo sa apat na large coal power plant sa isla na naging sanhi ng partial black out roon.
Dahil dito ay naglatag na ng short term solution ang mga system operator gaya ng pandagdag ng 10% headroom ng mga nasabing power plant.
Dagdag pa ng DOE, may nakalatag na ring long term solution sa problema gaya ng paggamit ng ibaNg renewable at conventional power generation projects.
Inaasahan naman ng DOE na sa katapusan ng Marso ay mas mapapalakas ang Panay grid dahil sa completion ng Cebu-Negros-Panay transmission upgrade.
Inaasahan din na sa katapusan ng Marso ay matatapos na ang maintenance ng isa sa apat na large coal power plant sa isla.
Kasabay nito ay nanawagan ang DOE sa pakiisa ng generators, distribution utility at system operators sa Panay.
Hinikayat din ng ahensya ang publiko na magtipid ng kuryente habang inaantabayan ang completion ng transmission upgrade at maintenance ng powerplant. | ulat ni Lorenz Tanjoco