Panukala para mabigyan ng employment opportunity ang mga senior citizen, lusot na sa komite ng Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Abot-kamay na ang panukalang batas na naglalayong magbigay ng trabaho sa mga senior citizen matapos maaprubahan sa committee level.

Ayon kay House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo, isa sa mga pangunahing may-akda ng “Employment Opportunities for Senior Citizen and Private Entities’ Incentives Act,” hindi lamang ito basta pagbibigay trabaho sa mga nakatatanda ngunit paraan upang mabigyang pagkakataon pa rin silang makibahagi sa lipunan, makatulong sa kanilang financial security, at mapanatili ang pagiging aktibo ng katawan at isip.

Kinilala naman ni Ways and Means Committee Chair Joey Salceda ang tagapagsulong ng panukala dahil inabot aniya ng 32 taon para mabigyan ng pantay na oportunidad sa empleyo ang mga senior citizen tulad ng PWD.

Oras na maging ganap na batas pangungunahan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagbibigay ng impormasyon sa mga senior ukol sa available na trabaho na akma sa kanila.

Ang mga pribadong kompanya na mag-eempleyo ng senior ay bibigyan ng 25% tax reduction sa kanilang labor cost gaya ng salaries, wages, benefits, at training.

Ibinahagi naman ni Atty. Franklin Quijano, ng National Commission of Senior Citizens (NCSC) sa mga mambabatas na may ilang employers na ang nagsisimulang makipagtulungan sa kanila kahit na ang panukala ay nakasalang pa lamang sa Kongreso.

Kasama aniya dito ang ilang kilalang fast food chain, dalawang malaking mall, at ilang gasolinahan.  | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us