Tuloy lang ang Kamara sa pagtalakay sa Resolution of Both Houses No. 7 o panukalang amyenda sa economic provisions ng Saligang Batas.
Ito ay kahit pa may pahayag na ang Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na inaaral ngayong ang posibleng pagsasabay ng Charter change plebiscite sa 2025 mid-term elections.
Noong nakaraang February 28, ay tinapos na ng Kapulungan ang deliberasyon sa Section 11 ng Article 12 patungkol sa national patrimony at economy.
Sa mosyon ni Deputy Majority Leader Iloilo 1st district Rep. Janette Garin, mas maaga ang pagtalakay ng Committee of the Whole House sa RBH 7 na gagawin na ng 10 ng umaga, kumpara sa nakagawiang ala-1 ng hapon.
Ngayong Lunes, March 4 ay isasalang naman sa deliberasyon ang paragraph 2 section 4 ng article 14 na patungkol sa education, science, technology, arts, school trends at sports.
Habang sa Martes ay tungkol naman sa article 16 o general provisions patungkol sa advertisement.
“On Monday, we will be deliberating on Paragraph 2, Section 4 of Article XlV, that’s education, science and technology, arts, school trends, sports; on Tuesday, we will be deliberating Paragraph 2, Section 11 of Article XVI, general provisions, this is related to ads,” paglalahad ni Garin.
“On Wednesday, we will go back to any topic out of the four: general concept and the three amendments. So the resource persons who will be willing to come back, may we request all of you to make yourselves available on Wednesday, and for those of you who have interest in education, that would be on Monday, and ads would be on Tuesday,” sabi ni Garin.
Matapos naman nito, muling inimbitahan ang mga resource persons para sa mga susunod na pulong upang sagutin ang iba pang mga usapin patungkol sa tatlong economic provisions na itinutulak na ma-amyendahan.| ulat ni Kathleen Forbes