Naratipikahan na ng Senado ang Bicameral Conference Committee version ng panukalang batas na layong doblehin ang teaching allowance ng mga public school teacher.
Sa ilalim ng Senate Bill 1964 at House Bill 9682 o ang ‘kabalikat sa pagtuturo bill’ layong itaas sa ₱10,000 ang teaching allowance ng mga public school teachers mula sa kasalukuyang ₱5,000 lang.
Ayon kay Senate Committee on Civil Service Chairman Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr., matagal nang hinihintay ng mga guro ang panukalang ito.
Ipinunto ng senador na bagama’t nakasaad sa konstitusyon na ang education sector ang dapat may pinakamalaking alokasyon sa national budget, ay patuloy na dumadaing ang mga public school teachers na hindi sapat ang kanilang kita kumpara sa mga tungkulin at obligasyong inaatang sa kanila.
Kaya naman sa pamamagitan ng panukalang ito ay nais ng senador na kilalanin ang mahalagang papel ng mga guro, lalo na sa mga kabataan. | ulat ni Nimfa Asuncion