Nakiisa ang National Economic and Development Authority (NEDA) sa pagdiriwang ng sambayanang Pilipino sa National Women’s Month.
Ayon sa NEDA, sa temang “Lipunang Patas sa Bagong Pilipinas: Kakayahan ng Kababaihan, Patutunayan!,” layunin nito na paigtingin ang ginagampanang papel ng mga babae sa pagpapalago ng ekonomiya sa ilalim ng Bagong Pilipinas.
Sa ilalim ng Philippine Development Plan 2023-2028, target ng pamahalaan na patatagin pa ang bilang ng mga babae sa labor force ng bansa mula 51.7 percent noong 2023 sa 52 hanggang 54 percent sa 2028.
Ito, ayon sa NEDA, ay sa pamamagitan ng mas maraming oportunidad gayundin sa pagtugon sa mga usapin ng gender bias at gender stereotypes. | ulat ni Jaymark Dagala